Monday, February 14, 2011

Entry 26 - Maganda Ang Araw Ko

Naging maganda ang araw ko.

Unang-una, sa awa ng diyos, yung singaw ko na 3 weeks ko ng iniinda ay gumaling na din.  Salamat talaga, isa ito sa mga pinakamahirap na nangyari sa akin, sa tindi nung sakit, hindi ako makapagsalita.  Kinailangan ko pa na hindi magsalita ng ilang araw para lang gumaling yun, kasi tuwing magsasalita ako, natatamaan siya, sumasakit at sa pakiramdam ko, lalo siyang hindi gumagaling.  Mukhang tama naman ang hinala ko kasi pagkatapos ko na hindi mashadong magsalita ng ilang araw, gumaling din siya.  Salamat talaga!

Pangalawa, naging ok ang trabaho ko, madami akong nagawa at medyo hindi ako nakaramdam ng katamaran.  Hindi din ako inantok mashado, kaya nakapagtuloy tuloy ako sa trabaho at naggawa ko yung mga kinailangan kong gawin.  Sana umpisa na ito ng paggiging masipag ko.  Sana matuloy-tuloy ko yung paggiging masipag at paggiging maayos ng aking trabaho.  Nakapagsign-up din ako sa isang training na maari kong maggamit sa hinaharap.  Hindi pa sigurado yung training, isang linggo siya, at hindi pa din sigurado kung saan siya.  Maaring sa McKinley siya, pero ok lang, kasi maggagamit ko naman yung training na yun.  Yung training kasi ay para sa Spring, isang open-source framework na madalas gamitin sa mga iba't-ibang projects ng iba't-ibang mga kompanya.  Madalas ito hanapin sa mga posisyon na hinahanap nila.

Pangatlo, naayos yung aquarium pump ko.  Binuksan at nilinis lang ni Papa yung pump, kaya umandar na siya ng maayos.  Akala ko kakailanganin ko pang bumili ng bago, buti na lang naayos.  Medyo may kamahalan din kasi yun at ayaw ko munang gumastos kasi may mga pinag-iipunan din ako.

Ayun, masaya ang araw ko.  Sana umpisa na ito ng mga magagandang bagay.  Na maging masipag na ako, bumalik ang paggiging masayahin ko, at ang paggiging kuntento sa mga bagay na meron ko.

No comments:

Post a Comment